Tampok sa 'Sarap, 'Di Ba?' ang exciting na biritan at masarap na recipe
Isang nakakatuwang Sabado ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil sa maagang kantahan, kainan, at kulitan.
Nakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sina Hannah Precillas at Jessica Villarubin para sa biritan at challenges noong October 21. Hindi rin nagpahuli sa Saturday morning bonding si Prince Clemente kasama pa sina Tammy Brown at Krissy.
Para sa masarap na kainan, naghanda sina Carmina, Cassy, at Mavy ng Pork Spareribs with Tofu and Tausi.
Huwag magpahuli sa mga susunod pang Saturday morning episodes ng Sarap, 'Di Ba?, 10:00 a.m. sa GMA Network.