
Sa bagong pagalingan sa Kitchen Bida ng Sarap, 'Di Ba? ay nagpakita ng talento sa pagluluto ang dalawang comedians na sina Tuesday Vargas at Chariz Solomon.
Sa episode na ito, ang bida ingredient of the week ay ang hito o catfish. Sina Tuesday at Chariz ay tinulungan ng dalawang mahuhusay na carinderia owners na sina Windy Ruiz at Lailanie Gaviera.
Ang judges nitong Sabado ay ang certified foodie na si Kevin Michael Garcia of “Eat's a small world” vlogs at ang Food Hero Asia 2016 na si Chef Anton Amoncio. Sa huli, nagwagi sa panlasa ng dalawa ang inihandang dish nina Tuesday at Lailanie na Adobo sa Gata.
Panoorin ang kanilang cooking showdown dito:
Abangan ang susunod na Kitchen Bida at pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? sa Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.