Kokoy De Santos at Royce Cabrera, naapektuhan sa isang intimate scene sa pelikula
Diretso sa pagsagot si Kokoy De Santos nang tanungin siya ni Carmina Villarroel ng "Totoo ba na naapektuhan si Royce Cabrera sa isang intimate scene ninyo sa pelikula?"
Ang pelikulang tinutukoy sa episode ng Sarap, 'Di Ba? ay ang Fuccbois na ipinalabas noong 2019.
"Yes po. Yes," Sagot ni Kokoy.
PHOTO SOURCE: @kkydsnts/ @royce.cabrera
Ayon kay Kokoy, napag-usapan nila ni Royce ang tinutukoy sa Trip to the Hot Seat segment ng Sarap, 'Di Ba?
"Kinuwento niya po sa akin. Mga ilang araw rin po kaming nag-usap about it. Tapos sabi ko, 'ako rin bro.'"
Paliwanag pa ni Kokoy, nadala sila sa kuwento ng pelikulang kanilang ginawa.
Saad ng Bubble Gang actor, "Since 'yung kuwento nung pelikula true-to-life siya, so kami parang siguro in character. Tapos 'yung direktor namin, si Direk Edong (Eduardo Roy Jr.), sumalangit nawa, talagang gina-guide kami. Siguro na-feel namin na kami 'yun."
Balikan ang kuwento ni Kokoy dito:
SAMANTALA, NARITO ANG MGA BL ACTORS NA NAGPAKILIG SA MGA PINOY: