TV

WATCH: Bianca Umali, busy this Holy Week para mag-taping ng 'Sahaya'

By Cara Emmeline Garcia
Updated On: April 16, 2019, 10:47 AM
Hindi na raw nakapagplano ng bakasyon si Kapuso actress Bianca Umali ngayong Holy Week dahil priority niya ang pinagbibidahang GMA Telebabad series na 'Sahaya.'

Hindi na raw nakapagplano ng bakasyon si Kapuso actress Bianca Umali ngayong Holy Week dahil priority niya ang pinagbibidahang GMA Telebabad series na Sahaya.

Bianca Umali
Bianca Umali

Ayon kay Bianca, araw-araw daw ang taping nila sa Batangas na aabutin hanggang Miyerkules Santo.

Aniya, “Napakalayo po ng location namin, but then, we chose to stay there, we chose to work hard and magtuloy-tuloy para lang po makapag-deliver kami ng kung ano 'yung makapagpapasaya sa mga tao.”

Aminado si Bianca na mahirap ang ginagawa nilang taping dahil madalas ay nakabilad sila sa mainit na araw.

Pero kinikilig daw siya kapag nakakatanggap ng papuri sa show.

“Kapag nakakabasa po kami o nakakarinig kung gaano kamahal ng mga tao si Sahaya ngayon, sobrang nakakapawi po ng lahat ng pagod.

“And it actually pushes us more than what we have been doing.”

Bianca Umali, bakit may personal connection kay 'Sahaya'

Maliban sa Sahaya, busy rin si Bianca sa taping ng pelikula na Family History kung saan makakasama niya sina Michael V, Dawn Zulueta at ang ka-love team na si Miguel Tanfelix.

Habang nasa shooting ng pelikula, hindi raw mapigilan ni Bianca na ma-starstruck sa isa niyang co-star. Sino kaya ito?

Alamin sa chika ni Lhar Santiago:

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, excited na para sa 'Family History'

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.