About the Show

Sa music, sa sayaw o sa fashion, usung-uso ang throwback. Masarap naman kasi talaga balik-balikan ang nakaraan. Sa iba, para magpakasenti, sa iba, para pagtawanan na lang.

Bakit hindi natin gawin ito sa mga palabas? Ibalik natin ang mga programa at eksenang napanood dito sa GMA para minsan pa nating e-enjoy.

But wait, there's more... Hahaluan din natin ito ng mga bagong palabas, para mai-promote ang mga tumatakbong programa ng istasyon.

Ito ang..... SABADO-BADOO!

Isang masayang video collection ng mga ipinalabas sa GMA mula noon hanggang ngayon pero bibigyan ng kakaiba at kwelang presentation.

1. Group them according to categories:
a. Best Bubble Gang character then and now
b. Best Sampal scenes, dying scenes and best bangon scenes in soaps.

2. Countdown
a. Top 5 suits ni Kuya Germs
b. Top 5 iyakan interviews in showbiz talk show
c. Top 5 falling stars (Mga artistang nahulog sa harap ng camera).

3. Mash up ng dalawang magkaibang eksena na parang sila ang nag-uusap.
4. Redub ng madamdaming eksena using gay linggo.
5. Before they were stars - Mga eksena kung saan unang lumabas bilang extra ang mga sikat ngayon.

At marami pang kategoryang iimbentuhin para i-present ang mga archival video ng GMA. Pati sa spiels ng hosts... lalagyan natin ng mga reaction mula sa mga eksena sa palabas. Bago pumunta sa gap, may ipapakita rin tayong pictures para hulaan ng viewers kung sino sila at ire-reveal after the gap. Sa dulo ng show, lagi tayong may highlight star. Pwedeng siya 'yung nasa top 5 countdown or yung blooper feature at iimbitahan natin siya para bigyan ng award with matching acceptance speech.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.