Angel Guardian, nagulat sa naging impact ng 'Running Man PH' sa kanilang loyal viewers
Eksklusibong nakapanayam ng 24 Oras ang first Ultimate Runner ng Running Man Philippines na si Angel Guardian, matapos ang viral at emotional season finale ng reality show last weekend.
Ayon sa Sparkle singer-actress, naniniwala raw siya na lahat silang cast members deserve na itanghal bilang Ultimate Runner.
Ani Angel, “Masasabi ko lahat naman kami panalo. Kasi lahat naman kami binigay 'yung best namin, lahat kami nag-effort and lahat naman kami deserving.”
Wala naman duda si Glaiza De Castro na talagang deserving manalo ang tinaguriang “Astig Princess” ng Running Man Philipines.
Paliwanag ni Boss G sa 24 Oras, “Deserve ni Angel kasi umpisa pa lang talagang, pinakita niya na kung ano 'yung kapasidad niya bilang isang Runner.”
Source: 24 Oras
Hindi lang ang Runners ang naiyak sa pagtatapos ng season ng reality show, kundi pati na rin ang libo-libong fans.
Usap-usapan din online ang ilang mga bata na bumuhos ang luha nang mapanood ang episode nitong weekend.
Ayon kay Angel na “mixed emotions” ang naramdaman niya nang makita na ganito kalaki ang impact ng show nila sa kanilang manonood.
Lahad niya, “Parang heartbreaking siya pero at the same time nakakatuwa na alam mo 'yun, nagkaroon kami pala ng ganun effect sa mga bata and also sa mga adults din, sa family. Mga nababasa ko na mga feedback na naka-help sa depression nila, anxiety [ang panonood ng Running Man PH]."
Nagpasalamat din ang season one Ultimate Runner sa kanilang supporters. Sambit niya, “Maraming salamat po sa suporta na ibinigay n'yo sa Running Man Philippines. Mahal na mahal namin kayo and sana magkita-kita pa tayo uli.”
RANDOM FACTS ABOUT ANGEL GUARDIAN: