Kiddie fans ng 'Running Man PH,' naiyak nang mapanood ang season finale kagabi
May kurot sa puso ang season finale ng hit reality show na Running Man Philippines kagabi, December 18.
Kahit ang mga kiddie fans ng show, ramdam ang lungkot matapos mapanood na isa-isang nagbigay ng mensahe ang ating celebrity Runners at hindi nila napigilan maluha.
Ang ilan sa mga magulang, ibinahagi ang mga video at larawan ng kanilang mga anak na umiiyak nang matapos umere ang season finale ng Running Man Philippines.
Ibinahagi ng netizen na si @kristinedd1 ang video ng kaniyang baby na lumuluha. Hirit niya, “Running Man Philippines season 2 na agad please maawa kayo sa anak ko”
@GMARunningManPH Running Man Philippines session 2 na agad please maawa kayo sa anak ko 😅 pic.twitter.com/Oq89ZZrFqn
-- KD (@KristineDD1) December 18, 2022
Post naman sa Facebook ni Rose Ailene na certified fan ni Ruru Madrid ang kaniyang anak na lalaki.
Aniya, Shocks! Umiyak ang anak ko. #mylittleruru. Nag-start na nung nakita niya si Ruru Madrid. Nag-drawing na lang para gumaan pakiramdam. (Ayaw pakita 'yung umiiyak siya).”
Panoorin uli ang mga exciting moments sa “Running Man Superpower Battle” race sa YouLOL Channel!
AMAZING FAN ART CREATIONS FEATURING OUR RUNNING MAN PH CAST MEMBERS: