'Running Man Philippines' cast members, emosyonal sa kanilang season finale
All good things must come to an end.
Ngayong gabi (December 18), ipinalabas ang thrilling, intense at emotional na season finale ng Running Man Philippines.
Sa huli, sina Lexi Gonzales at Angel Guardian ang dalawang Runners na nagharap sa nametag ripping mission ng “Running Man Superpower Battle” race. Ito ay matapos nilang buong husay na ginamit ang kanilang powers.
Nakuha ni Lexi ang powers ng “Death Note” kung saan kaya niyang mag-eliminate ng opponent. Samantala, hawak naman ni Angel ang Reflector na sa oras na ma-rip ang kaniyang nametag ng kalaban ay agad itong matatanggal.
Pero mas umangat ang galing ng “Astig Princess” na si Angel at siya ang nanalo bilang Ultimate Runner.
Mensahe mula sa mga Runners
Bago matapos ang episode, may sweet message si “Kap” Mikael Daez sa kaniyang kapwa Runners. niya, “Before we get anywhere I just wanna say, I love you guys.”
Sumunod niyang sinabi, “I had so much fun with all of you, sobrang proud ako sa inyong lahat. Sobrang nag-enjoy talaga ako. Sabi nga ni Boss G, start pa lang doon sa bus pa lang, sinabi niya, 'Guys, minsan lang 'to mangyari'... And I'm so happy to have you guys in my life.”
Nangilidngilid naman ang luha ni Lexi nang magbigay ng mensahe sa kaniyang mga co-stars. Aniya, “First of all, gusto ko po magpasalamat, kasi ang dami ko natutunan sa inyo. And alam ko hindi n'yo [ako] pinabayaan bilang bunso.”
Nakapukaw din ng damdamin ng fans sa finale episode ngayong gabi ang emotional moment ni Kokoy na lumuluhang nagpasalamat din sa lahat.
“Hindi ako makapaniwala na ito, ang daming nangyari,” dito na nagsimula pumatak ang luha ni Kokoy. Pagpapatuloy niya, “Thank you sa lahat ng nagtiwala sa akin.”
Running Man PH experience
Inalala naman ng mag-best friend na sina Ruru Madrid at Buboy Villar ang kanilang experience shooting Running Man Philippines sa South Korea.
Ayon kay Buboy, ramdam niya ang effort ng lahat para sa kanilang reality show.
Lahad niya, “At saka iba 'to. Sobrang challenging kasi unang-una sa lahat wala tayong script. Tapos, pangalawa ramdam na ramdam ko 'yung effort natin lahat, okay. Deserve natin 'tong lahat, mula noong una masaya ako at hanggang ngayon.”
Para naman kay Ruru, habang buhay daw niya maalala ang mga ginawa nila sa Running Man Philippines. Saad ng “Lolong” star, “Sobrang thankful ako na naging parte ako nitong show na 'to. Kayo lahat na nakasama ko dito, ang dami ko natutunan. It's been a month na magkakasama tayo at hindi ko kayo makakalimutan habang buhay.”
Hindi rin nakalimutan ng Runners na magpasalamat sa buong GMA-7 at SBS team sa ginawang pag-aalaga sa kanila sa mahigit isang buwan nilang shooting sa Korea.
Taos-puso ang pasasalamat ni Boss G sa kanilang crew at production team. Sabi niya, “Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na tapos na tayo, 'Ayy!'
“Pero bago ko sabihin sa inyo na thank you. Gusto ko rin mag-thank you sa inyong lahat. Thank you everyone. Kamsahamnida! Thank you for taking care of us.”
At para sa first-ever “Ultimate Runner” ng Running Man Philippines season one na si Angel, sinabi nito na ginawa niya ang “best” niya to win.
Saad ng Sparkle beauty, “Ang daming nangyari, pero happy ako, happy ako for this and feeling ko naman ginawa ko 'yung best ko to deserve this.”
You can re-watch the full season of Running Man Philippines by visiting the YouLOL channel on YouTube.
BALIKAN ANG BEST MOMENTS NG MGA RUNNERS SA KOREA DITO: