Running Man PH: Race to win some cash!
Summer is back sa Running Man Philippines this weekend dahil sasama namin kayo sa exciting na bakasyon sa Gyeonggi-do, South Korea.
Kung akala ng ating seven celebrity Runners na magkakaroon sila ng relaxing stay sa isang wave pool this Saturday (November 12), puwes, mas level-up ang excitement! Dahil sa bagong race, puwede pa sila manalo ng cash!
Makakasama pa nila this week sa “Pocket Money Race” sina Rocco Nacino at Empoy Marquez!
Ano-ano kaya ang mga mission na naghihintay sa kanila?
Didiresto naman ang ating Runners sa Oido Prehistoric Park for the finale of the “Pocket Money Race” sa Linggo ng gabi (November 13).
For the finale mission, mukhang magkakagulatan ang Runners sa mga mabubuong alliances at makalaglag panga na betrayal sa nametag mission to win, dahil isa lang sa kanila ang magiging sole survivor!
Kaya sumama na sa engrande at masayang bakasyon namin sa Running Man Philippines, ngayong Sabado sa oras na 7:15 p.m. at manood tuwing Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 7:50 p.m.
CHECK OUT THESE INCREDIBLE FAN ARTS FEATURING OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: