Pag-sundot ni Glaiza De Castro kay Buboy Villar, kinaaliwan online!
Umani ng sangkatutak na tawanan online ang isang eksena sa Velcro basketball mission na napanood sa Running Man Philippines last Sunday night.
Kalaban ng Blue Team na binubuo nina Glaiza De Castro, Kokoy de Santos, Kyline Alcantara at Mikael Daez ang Red Team kung saan magkakampi sina Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales at Angel Guardian.
Nakunan sa camera nang pilit inaagaw ni Buboy kay Boss G ang bola at dito pinatikim ni Glaiza ang “ultimate strategy” niya kay The Funny Juan, nang biglang sundutin ng Sparkle actress ang puwet ni Buboy, para ito ay bumitaw.
Kung ang Kapuso comedian ay nabigla, marami rin ang nagulat at tawang-tawa sa naisip ni Glaiza para mawala sa focus ang kalaban.
Sunud-sunod ang komento sa nakakatawang eksena na ito sa Exit Race ng Running Man Philippines last October 30.
Kung hanap n'yo pa ang more good vibes sa patok na reality show, ito pa ang ilang eksena na dapat n'yo panoorin last Sunday night.
Masked Oppas, ikinulong ang mga Runners!
Bardagulan na may kaunting basketball!
Ruru Madrid, mali ang piniling tao?!
Kokoy de Santos, hindi naitago ang kanyang BALL!
BALIKAN ANG NAKAKATUWANG FAN ART CREATIONS FEATURING YOUR RUNNING MAN PH STARS: