WATCH: Buboy Villar, sablay sa 'Cham Cham Cham' mission!
Mukhang short-lived ang big win ni “The Funny Juan” Buboy Villar sa "Find Your Age" race dahil sumablay agad ang comedian-vlogger sa unang mission nila sa #RMPhTrainSurvival.
Kung grabe ang saya ni Buboy matapos matalo si Lolong star Ruru Madrid sa "Attack and Defend War", laking gulat naman niya nang una siya agad na-eliminate sa episode last October 9.
Sakay ang seven Runners at special guests nila na sina Valeen Montenegro at Pekto ng train sa South Korea at sa bawat station, kailangan may gawin silang mission--ang mabibigo kailangang maiwan.
Sa Yeongdeungpo Station, epic fail si Buboy sa famous Running Man mission na "Cham, Cham, Cham!"
Tila nakuha muli ng komedyante ang kiliti ng netizens sa TikTok dahil nakakuha na ang episode highlight na ito ng mahigit 1.1 million views.
Samantala, patok din sa mga TikTok user ang naging strategy ni Buboy Villar para ma-distract ang Pink Team sa Silent Mukbang mission last October 8, dahil nakapagtala na rin ito ng dalawang million views sa social media site.
Balikan ang nakakakabang mga mission at games sa episode ng Running Man Philippines sa Sunday Grande sa gabi sa videos below.
Stay updated with the latest news and info about Running Man Philippines by always visiting GMANetwork.com.
MEET OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: