Angel Guardian
Source: itsangelguardian (IG)
TV

EXCLUSIVE: Angel Guardian, iiwan na sana ang showbiz bago dumating ang 'Running Man PH'

By Aedrianne Acar
Angel Guardian on her showbiz career: “Nag-start na ako na mag-isip kung saan ba talaga ako maggo-grow.”

Tila answered prayer para sa Sparkle actress-singer na si Angel Guardian na isa siya sa mapalad na napili para maging Runner sa hit reality show na Running Man Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa multi-talented Kapuso star ngayong Huwebes, September 22, naikuwento nito na bago dumating ang show ay napapa-isip na raw siyang mag-quit sa showbiz.

Una itong naikuwento ng co-cast member niya sa Running Man Philippines na si Kokoy de Santos sa panayam ng Kapuso Showbiz News noong Hunyo.

Matatandaan na nagkasama ang dalawa sa prequel ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento bilang Young Patrick at Beth.

Lahad ni Angel, “So parang napapa-isip ako na parang gusto ko na mag-stop ng showbiz, magbalik sa commercial. Kasi parang nag-start na ako na, alam mo 'yun, mag-isip kung saan ba talaga ako maggo-grow.”

“Nung Pepito days, 'yun 'yung kinukuwento ko kay Kokoy na, 'Hindi! Plan ko na talaga, decided na ako. Tapusin ko na lang 'yung contract ko, tapos balik na lang ako sa commercials.'

“Siguro, mag-focus ako sa music. Tapos ayun business, tapos mag-aral ako. 'Yun na 'yung parang naiisip ko na gagawin ko.”

Perfect timing na maituturing para sa magandang dalaga ang pagdating ng reality show, dahil nawala ang kanyang pagdududa kung para sa kanya ang show business.

“Until dumating 'yung Running Man parang, 'Wait. Lord, ano ba 'to? Ito ba 'yung sign, pause ba 'to na kailangan ko mag-isip at mag-decide kung mag-stop ba ako, so gi-give up na ba ako or tutuloy ako?'” ani Angel.

Dagdag niya, “Which nasagot nga. After ng Running Man, 'tapos dumating pa po 'yung Mano Po ngayon.

“Parang pinapa-realize lang sa akin na, 'Ano ka ba? Huwag kang sumuko. Kaya mo 'yan, huwag mo i-doubt 'yung sarili mo.'”

Malapit na rin mapanood si Angel Guardian sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, kung saan makakasama naman niya ang ilan sa dekalibreng aktres tulad nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, at Beauty Gonzalez.

TV ratings ng Running Man PH

Nagpaabot din si Angel ng pasasalamat sa viewers para sa mataas na ratings na nakukuha ng Running Man Philippines from the start.

Sabi ng Sparkle talent, “Nakakataba ng puso 'yung pagsuporta nung mga tao, kasi parang 'yun na 'yung balik sa lahat ng pagod namin and alam ko po pare-parehas po kami ng nararamdaman na tuwing nakikita namin kung gaano karami 'yung nanonood at sumusuporta.”

Watch Running Man Philippines every Saturday at 7:15 pm and every Sunday at 7:50 pm.

GET TO KNOW OUR CELEBRITY RUNNERS HERE:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.