Angel Guardian at Kokoy de Santos, sinabing 'unexpected' na mapasama sa 'Running Man Philippines'
Ramdam sa bawat salitang binitawan ng Sparkle artists na sina Angel Guardian at Kokoy de Santos sa media conference ng Running Man Philippines noong Sabado, August 27, na “big surprise” para sa kanila na mapabilang sa project na.
Ayon sa actress-singer na si Angel, itinuturing niya na “malaking opportunity” ang maging parte ng reality show at dadalhin niya raw ang karangalan na ito habang buhay.
Saad niya, “Isa napakalaking karangalan mapabilang sa 'Running Man.' Wala pong nag-expect sa amin na mapapabilang kami rito. Sobrang big opportunity na dadalhin ko po habang buhay.”
Binansagan naman ng Bubble Gang heartthrob na si Kokoy de Santos silang celebrity Runners bilang “lucky seven” nang tanungin ang nararamdaman niya being part of the show.
Aniya, “Lucky seven feeling ko. Wala naman talagang nag-expect sa amin for sure. Excited pa rin na sana abangan ng lahat.”
Ibinahagi naman ng Senior Program Manager na si Enri Calaycay na kahit sa South Korea kinunan ang entire season ng Running Man Philippines, naging bukas ang creative team ng SBS at GMA-7 sa collaboration.
Ito ay para mabigyan pa rin ang mga episode ng unique Pinoy twists na papatok sa local audience.
Paliwanag ni Enri sa idinaos na media conference, “Nag-collab po talaga ang SBS, ang Korean team, tapos ang GMA team for all the episodes. Of course, sinunod kasi natin that's why naman po gusto natin 'yung 'Running Man' Korea, kasi gusto natin 'yung mga ginawa nilang games.
“And then 'yung locations po sa Korea ginawa, but 'yung mga writers namin , 'yung creative team met with their creative team, para kung papaano makaka-inject pa rin ng Filipino touch po doon sa concept.
“Kasi we also have to make sure na pasok din po sa audience natin 'yung mga gagawin kahit nasa Korea po ang setting.”
Magbabago ang inyong weekend primetime viewing sa mas pinalakas na line-up ng Sabado Star Power at Sunday Grande sa Gabi with the world premiere of Running Man Philippines this coming September 3!
Mapapanood ang reality show tuwing Sabado, 7:15 p.m. at sa Linggo naman tumutok sa ating mga celebrity Runners sa oras na 7:50 p.m..
TAKE A LOOK AT THE HIGHLIGHTS OF THE SUCCESSFUL RUNNING MAN PHILIPPINES GRAND FAN FEST HERE: