Angel Guardian in South Korea for Running Man Ph Season 2
Photo by: itsangelguardian (IG)
TV

Angel Guardian enjoy na enjoy sa snow experience sa South Korea

By Aimee Anoc
Angel Guardia sa winter experience sa South Korea: "Ang saya maka-experience ng snow and in fairness, gusto ng skin ko 'yung lamig dito haha."

Dalawang linggo nang nasa South Korea si Angel Guardian para sa season two ng Running Man Philippines kung saan kasama rin niya ang iba pang cast na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy De Santos, at ang bagong member na si Miguel Tanfelix.

Noong Sabado (January 27), ibinahagi ni Angel sa Instagram ang saya nang maka-experience ng snow sa South Korea.

"Been here in Korea for two weeks now--ang saya maka-experience ng snow and in fairness, gusto ng skin ko 'yung lamig dito haha," pagbabahagi ng aktres.

Enjoy man sa winter sa nasabing bansa, pero aniya, miss na rin niya ang init sa Pilipinas, "Gusto ko na mag dagat!!!"

Samantala, bukod sa Running Man Philippines, abala rin si Angel sa paghahanda para sa bigating role sa iconic telefantasya ng GMA na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa Sang'gre, makikilala si Angel Guardian bilang Deia, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin. Makakasama niya sa serye ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG RUNNING MAN PHILIPPINES CAST SA PAGPUNTA NILA SA SOUTH KOREA DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.