Royal Blood finale
TV

'Royal Blood' finale, trending at nagtala ng pinakamataas na ratings

Mula simula hanggang sa pagtatapos nito noong Biyernes (September 22), mainit na sinubaybayan ng mga Royalistas ang hit murder mystery series na Royal Blood.

Pasok sa top trending topic sa Twitter/X Philippines ang official hashtag ng finale episode na "RBWatchTillTheVeryEnd" kung saan pinag-usapan ang huling mga pasabog sa Royal Blood.

ROYAL BLOOD

Sa pagtatapos, nalamang si Diana (Megan Young) ang nagtulak kay Margaret (Rhian Ramos) para ituloy nito ang paglason kay Gustavo (Tirso Cruz III).

Ikinagulat naman ng manonood kung sino ang nagtanggal ng life support ni Diana (Megan Young) habang comatose ito. Walang iba kung hindi si Louie (James Graham), ito ay matapos na malaman niya kay Margaret na hindi si Andrew (Dion Ignacio) ang kasabwat sa pagpatay kay Gustavo kung hindi si Diana.

Dagdag sa mga rebelasyong ito, nalaman na rin na kapatid ni Anne (Princess Aliyah) ang dating business partner ni Beatrice (Lianne Valentin) na si Sarah.

Samantala, si Napoy (Dingdong Dantes) na ang namuno sa Royales Motors at ipinagpatuloy nito ang panunuyo kay Tasha (Rabiya Mateo).

Bukod sa trending, panalo rin sa ratings ang pagtatapos ng Royal Blood na nakakuha ng 12.6 percent, ang pinakamataas nitong ratings.

Basahin dito ang mga papuring natanggap ng Royal Blood sa pagtatapos nito at ang kahilingan ng manonood na magkaroon ito ng season 2:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.