Royal Blood
TV

Dingdong Dantes, Mikael Daez, Megan Young, Rhian Ramos, and other stars at 'Royal Blood' grand media conference

Kasado na ang pagbabalik primetime ni Dingdong Dantes sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood.

Simula June 19, mapapanood na sa GMA Telebabad ang bagong murder mystery drama na Royal Blood, mula sa lumikha ng hit suspense series na Widows' Web at sumasailalim sa direksyon ni Direk Dominic Zapata.

Sa Royal Blood, makikilala si Dingdong bilang Napoy, ang illegitimate child ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at isang mapagmahal na single father sa babae niyang anak na si Lizzie (Sienna Stevens). Sinisikap niyang maibigay ang pangangailangan ng anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging prime suspect siya sa pagkamatay ng ama.

Kilalanin ang mga bumubuo sa Royal Blood sa naganap nilang Grand Media Conference noong Biyernes, June 9 sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.