Murder mystery drama na 'Royal Blood', sumailalim na sa cast pictorial
Malapit nang mapanood ang pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang 'Royal Blood,' na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Makakasama ni Dingdong sa star-studded na cast sina Tirso Cruz III, Mikael Daez, Megan Young, Rhian Ramos, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Benjie Paras, Arthur Solinap, Carmen Sarmiento, at Ces Quesada.
Silipin ang ilan sa behind-the-scenes photos mula sa naganap na pictorial ng 'Royal Blood' sa gallery na ito:
Dingdong Dantes
Sa pagbabalik primetime, makikilala si Dingdong Dantes bilang Napoy sa murder mystery drama na 'Royal Blood.'
Napoy
"Very exciting" para kay Dingdong Dantes na gampanan ang lead character ng 'Royal Blood' na si Napoy. Kuwento niya sa GMANetwork.com, "Ang Royal Blood kasi ay kuwento ng magkakapatid, iba-iba talaga 'yung motibo nila sa buhay. Binubuo sila ng colorful and strong characters. Kaya isang challenge talaga na maging distinct, kumbaga, kailangang markadong-markado 'yung character ni Napoy at 'yung gusto niyang mangyari. Si Napoy kasi siya 'yung anak sa labas, siya 'yung hindi tanggap ng mga kapatid kaya challenge sa kanya kung paano niya gawing acceptable 'yung sarili niya sa pamilya [at] lipunan."
Dingdong Dantes and Tirso Cruz III
Muling magkakasama sina Dingdong Dantes at multi-awarded actor Tirso Cruz III sa iisang serye. Una nang nagkatrabaho ang dalawang aktor sa GMA series na 'Sana ay Ikaw Na Nga' noong 2002 at hit series na 'Endless Love' noong 2010.
Napoy and Gustavo
Gaganap bilang mag-amang Napoy at Gustavo sina Dingdong Dantes at Tirso Cruz III sa 'Royal Blood.' Si Napoy ang bastardong anak ng business tycoon na si Gustavo Royales.
Mikael Daez and Megan Young
Kabilang sa star-studded cast ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young, na gaganap bilang ang mag-asawang Kristoff at Diana sa 'Royal Blood.'
Mikael Daez
Sa 'Royal Blood,' makikilala si Mikael Daez bilang Kristoff Royales, isa sa mga anak ni Gustavo (Tirso Cruz III) at half-brother ni Napoy (Dingdong Dantes).
Megan Young
Kuwento ni Megan Young sa GMANetwork.com, nang ialok sa kanila ni Mikael Daez ang 'Royal Blood' ay agad nila itong tinanggap. "Kaya namin actually tinanggap kasi we knew we were going to be together, and of course we're going to work with such a grand cast. So the first time that they asked we said yes right away and we're really excited na makaka-work namin ang isa't isa ulit."
Rhian Ramos
"Very exciting" para kay Rhian Ramos ang role na gagampanan sa 'Royal Blood,' na aniya "very out of ordinary" at hindi pa niya nagagawa.
Margaret
Sa murder mystery drama, makikilala si Rhian Ramos bilang Margaret Royales-Chan, pangalawang anak ni Gustavo (Tirso Cruz III).
Dion Ignacio
Gagampanan ni Dion Ignacio ang business savy na asawa ni Margaret (Rhian Ramos) na si Andrew Chan. Close din siya sa ama ng huli na si Gustavo (Tirso Cruz III).
Lianne Valentin
Challenging para kay Lianne Valentin ang karakter na gagampanan sa 'Royal Blood,' kung saan makikilala siya bilang Beatrice, pangatlong anak ni Gustavo (Tirso Cruz III). Kuwento niya, "Medo mahirap din talaga siya kasi different siya from Stella, 'yung role ko sa 'Apoy Sa Langit.' Iyon very bata, bubbly, as in walang class. Ito may class siyang tao, nakapag-aral sa isang engrandeng eskwelahan, so pati 'yung pananalita and the way 'yung posture ko and the way I do things it matters. 'Yun talaga 'yung pinagtuunan ko ng pansin sa preparations."
Rabiya Mateo
Itinuturing ni Rabiya Mateo na "big break" sa showbiz ang mapasama sa cast ng 'Royal Blood,' kung saan gaganap siya bilang Tasha, kapitbahay na may crush kay Napoy (Dingdong Dantes) at siya rin ang matalik na kaibigan ng nasirang asawa ni Napoy na si Kate.
Benjie Paras
Kabilang din sa cast ng 'Royal Blood' ang aktor at komedyante na si Benjie Paras, kung saan makikilala siya bilang Otep, ang bff ni Napoy (Dingdong Dantes).
Arthur Solinap
Sa 'Royal Blood,' makikilala si Arthur Solinap bilang Emil, isang mahusay na imbestigador. Una nang napanood ang aktor bilang detective sa murder mystery drama series na 'Widows' Web.'
Carmen Soriano
Masaya ang veteran actress na si Carmen Soriano na mapabilang sa cast ng 'Royal Blood.' Sabi niya, "Itong role ko ngayon is something I'm very proud of."
Ces Quesada
Excited naman ang seasoned actress na si Ces Quesada na muling makatrabaho si Dingdong Dantes sa 'Royal Blood,' na aniya, ay masayang kakwentuhan sa set at magaling na artista.