Behind-the-scenes photos mula sa set ng murder mystery drama 'Royal Blood'
Noong April 12, nagsimula na ang taping ng upcoming murder mystery drama na 'Royal Blood,' na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Makakasama ni Dingdong sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, Rhian Ramos, Rabiya Mateo, Arthur Solinap, Benjie Paras, at ang batikang aktor na si Tirso Cruz III.
Silipin ang ilan sa behind-the-scenes photos mula sa set ng 'Royal Blood' sa gallery na ito.
Taping
Nagsimula ang taping ng 'Royal Blood' noong April 12 kung saan agad na nakaeksena ni Dingdong Dantes sina Rabiya Mateo, Arthur Solinap, Benjie Paras, John Feir, at Arthur Solinap.
Royal Blood
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Dingdong Dantes kung paano naiiba ang 'Royal Blood' sa mga nauna niyang serye. Aniya, "'Yung konsepto kasi nito kakaiba talaga, very interesting, kasi suspense drama siya. For me, it's something I haven't done before."
Napoy
Sa 'Royal Blood,' makikilala si Dingdong Dantes bilang Napoy, isang mapagmahal na single father na sinisikap maibigay ang pangangailangan ng kaniyang anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Siya rin ay bastardong anak ng isang business tycoon-- si Gustavo Royales, na gagampanan ng batikang aktor na si Mr. Tirso Cruz III.
Dingdong Dantes and Benjie Paras
Ayon kay Dingdong Dantes, masaya siya sa pagkakataon na muling makatrabaho ang aktor at komedyante na si Benjie Paras.
Benjie Paras
Sa 'Royal Blood' makikilala si Benjie Paras bilang Otep, ang bff ni Napoy (Dingdong Dantes).
Gustavo Royales
Mapapanood si Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales, ang ama ni Napoy (Dingdong Dantes) na isang business tycoon.
Mikael Daez and Megan Young
Kabilang sa star-studded cast ng 'Royal Blood' ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young.
Mikael Daez
Makikilala si Mikael Daez sa 'Royal Blood' bilang Kristoff Royales, half-brother ni Napoy (Dingdong Dantes) at anak ni Gustavo (Tirso Cruz III)
Kristoff and Gustavo Royales
Ang mag-amang Kristoff (Mikael Daez) at Gustavo Royales (Tirso Cruz III).
Carmen Soriano
Muling ipamamalas ng veteran actress na si Carmen Soriano ang husay sa pag-arte sa role na gagampanan sa 'Royal Blood.'