Dion Ignacio in Royal Blood
TV

Dion Ignacio, thankful for success of 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Dion Ignacio: "Maraming salamat po sa panonood ng 'Royal Blood' gabi-gabi. Salamat sa inyong suporta mga Kapusong Royalista."

Thankful si Sparkle actor Dion Ignacio sa mainit na suportang natatanggap ng hit murder mystery series na Royal Blood. Patunay rito ang gabi-gabing matataas na ratings at trending online.

Sa primetime series, napapanood si Dion bilang Andrew Castor, asawa ni Margaret (Rhian Ramos) na nagkaroon ng lihim na relasyon kay Beatrice (Lianne Valentin).

Sa isang Instagram post, ipinaabot ni Dion ang pasasalamat sa manonood ng Royal Blood. Ibinahagi rin ng aktor ang isang behind-the-scene photo kasama ang co-stars na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Megan Young, Mikael Daez, Rhian Ramos, at Lianne Valentin.

"Maraming salamat po sa panonood ng 'Royal Blood' gabi-gabi. Salamat sa inyong suporta mga Kapusong Royalista," sulat ni Dion.

Noong Huwebes, pumalo sa 10.9 percent ang ratings ng episode 59 ng Royal Blood kung saan napanood ang nangyaring car accident kina Beatrice (Lianne) at Lizzy (Sienna Stevens).

Sa inilabas ng teaser ng Royal Blood ngayong Biyernes (September 8), nalaman nina Napoy (Dingdong) at Beatrice na may sumira sa preno ng sasakyan ng huli kaya ito naaksidente habang kasama si Lizzy.

Hinala ni Beatrice na si Margaret ang may kagagawan ng aksidente, habang pinaghihinalaan naman ni Diana (Megan) ang asawang si Kristoff (Mikael). Isa kaya kina Margaret at Kristoff ang tunay na salarin sa aksidente?

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG NAGING DIRECTORIAL WORK NI DINGDONG DANTES SA ROYAL BLOOD DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.