Royal Blood
TV

Cast ng 'Royal Blood,' humarap sa international press mula sa U.S., Canada, Japan, Singapore at Dubai

By Aimee Anoc
Updated On: July 10, 2023, 09:56 AM
Nakatanggap ng surprise message mula sa mga global Pinoy ang pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang 'Royal Blood.'

Humarap ang cast ng murder mystery drama na Royal Blood sa kauna-unahan nilang international media conference na inorganisa ng GMA Pinoy TV ngayong Biyernes, July 7.

Nakapanayam ng international press mula U.S., Canada, Japan, Singapore, at Dubai ang cast ng Royal Blood na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Megan Young, Mikael Daez, Lianne Valentin, Rabiya Mateo at Rhian Ramos.

Sa naganap na media conference, pinasalamatan ng cast ang mga global Pinoy na patuloy na sumusuporta sa Royal Blood at maging sa iba pang Kapuso shows.

Nakatanggap din ng surprise message ang cast mula sa mga Filipino sa Los Angeles, Hong Kong, Maryland, Australia, Florida, at Kuwait.

"It's really heartwarming and I'm sure it makes everyone feel motivated, working harder to keep on entertaining and engaging the audience," sabi ni Mikael sa mga Kapusong sumusuporta abroad.

"Sobrang na-appreciate po namin ang inyong comments, ang inyong feedback. Kinikilig kami na malaman na talagang na-appreciate n'yo 'yung trabahong ginagawa namin dito kaya maraming, maraming salamat sa inyo," dagdag na pasasalamat ni Dingdong.

Ibinahagi rin ni Dingdong ang nararamdaman sa natatanggap na papuri at magagandang feedback ngayon ng Royal Blood.

"Sa tuwing nakakakuha kami ng balita na inaantabayanan, talagang sobrang excited sila na malaman 'yung mga susunod na mangyayari sa kuwento e' nakakakilig on our part. Because, of course, as the actors on set pa lang, kami rin kasi very engaged kami sa kuwento and I think nagre-reflect naman 'yun sa performance ng bawat isa," kuwento ng aktor kay Dang Corpuz ng Filipino-Japanese Journal.

Dagdag niya, "Gusto ko lang ikuwento na tuwing magkakasama 'yung cast lalong-lalo na 'yung magkakapatid at 'yung iba pang characters, pinapanood ko sila kapag nasa scene and I feel na ganoon din kasi 'yung enthusiasm nila sa project dahil ibinibigay talaga nila 'yung 1000 percent nila rito.

"Sobrang naniniwala sila sa materyal and sobrang ramdam na ramdam mo 'yung excitement so I think doon pa lang sa set, doon sa execution nakikita mo na 'yung engagement, magre-reflect 'yun sa TV 'di ba? Kumbaga, sa napapanood ng audience sa tingin ko ito 'yung nakikita nila ngayon.

"Sana patuloy ito hanggang matapos 'yung season and sinisiguro namin na mas magiging mas exciting pa siya sa kung anong mayroon siya ngayon. Kasi kagabi, na-reveal na si Gustavo ay buhay pala. Umpisa pa lang 'yan ng many twists and turns pagdating sa pag-elevate ng aming story."

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

Para naman sa global Pinoys, mapapanood ang full episodes ng Royal Blood sa GMA Pinoy TV. Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.