Dion Ignacio and Rhian Ramos
Photo by: GMA Network
TV

Dion Ignacio medyo na-intimidate kay Rhian Ramos

By Aimee Anoc
First time makapareha ni Dion Ignacio si Rhian Ramos at aminadong kinabahan ang ang aktor. Alamin ang detalye dito:

Kapwa napapanood ngayon sina Dion Ignacio at Rhian Ramos sa murder mystery drama na Royal Blood kung saan gumaganap sila bilang ang mag-asawang Andrew at Margaret.

Ito ang unang pagkakataon na nakapareha nina Dion at Rhian ang isa't isa sa isang serye. Una nang nagkatrabaho ang dalawang aktor sa anthology shows na Tadhana at Maynila.

Ayon kay Dion, isa noon si Rhian sa pinangarap niyang maging leading lady. Kuwento niya, "Noong nag-start siya rati, nakikita ko 'yung commercials niya parang minsan din si Ms. Rhian noon ay pinangarap ko ring makasama sa trabaho, leading lady. At ngayon ito nangyari na after how many years."

Dahil ito ang unang beses na makaka-partner niya si Rhian sa isang serye, hindi raw naiwasang "ma-intimidate at kabahan" ni Dion sa mga unang eksena nila ng aktres sa Royal Blood.

"Noong una talaga... medyo na-intimidate ako nang kaunti, medyo kinakabahan. Pero nu'ng nakatrabaho ko na siya sobrang professional. Sa mga eksena namin natutulungan niya ako para mas mapaganda 'yung mga scenes," sabi ng aktor.

Dagdag ni Dion, hanga siya sa pagiging professional ni Rhian sa trabaho, na aniya, "sobrang galing at walang arte."

"Kapag nasa kamera na kami in character talaga, 'yung Margaret 'yung nakikita ko. Kaya para sa akin mas nagiging madali ma-build 'yung character ko na Andrew. Madali para sa isang artista na 'yung kaeksena mo magaling."

Pagbabahagi naman ni Rhian, tiwala ang ibinigay nila ni Dion sa isa't isa para mahusay na magampanan ang mga eksena sa serye.

"Acting and being in a scene is really kasi about trust. Mahirap na may kaeksena ka tapos parang feeling mo hindi ka niya sasaluhin. Mahirap magbigay ng something na biglaan or kung doon mo lang naramdaman o naisip baka hindi siya maka-react, 'yung ganu'n.

"I think the most important thing that we work on. Kasi 'yung role namin dito mag-asawa... alam mo 'yun from friends or acquaintances to mag-asawa is malaking jump so we really work on our trust with each other para nga lumabas at makita na we are a team. Also behind the scenes, we try to be a team," sabi ni Rhian.

Patuloy na subaybayan sina Dion at Rhian sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.