Rabiya Mateo in Royal Blood
TV

Rabiya Mateo admits feeling pressured about her first series 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Isa si Rabiya Mateo sa magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa murder mystery drama na 'Royal Blood.'

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kabilang siya sa cast ng pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood, kung saan isa siya sa magiging leading lady ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ayon kay Rabiya, "blessed at thankful" siya na mabigyan ng ganitong oportunidad. Sa action-packed family drama, makikilala siya bilang Tasha, kapit-bahay na may crush kay Napoy (Dingdong). Si Tasha na rin ang tumatayong ina ng anak ni Napoy na si Lizzie (Sienna Stevens). Matalik siyang kaibigan ng nasirang asawa ni Napoy na si Kate.

Aminado ang beauty queen-actress na may pressure para sa kanya ang mapasama sa cast ng Royal Blood.

"Grabe po siguro 'yung pressure kasi ako po 'yung pinakabago rito. And nagpapasalamat po ako sa production and everybody because they allow me to become a beginner. They allow me to make a mistake and 'yung feedback na 'yun that pushes me to really be better," sabi ni Rabiya sa naganap na grand media conference ng Royal Blood noong Biyernes, June 9.

Itinuturing naman ni Rabiya na isang "privilege" na makatrabaho sa isang serye si Dingdong.

"Mabigat po siyang responsibility kasi siya po ang ating Primetime King. Pero, every day I remind myself na somebody saw a potential in me at hindi ko pwedeng gawing rason na baguhan ako for me not to deliver.

"Kaya nagpapasalamat po talaga ako sa lahat ng naniwala sa akin. Thank you Kuya Dong for helping me. May mga eksena akong nahihirapan ako at sinasabi ko po sa inyo at nandu'n po kayo para i-guide ako kaya salamat po talaga," pasasalamat ni Rabiya kay Dingdong.

Hiningian naman ng entertainment press ng reaksyon si Dingdong sa pasasalamat na ito ng beauty queen-actress.

"Lahat tayo may kanya-kanyang proseso as artists, as actors, and 'yun nga nabanggit ni Direk [Dominic Zapata] kung makita mo lang how magical that experience is seeing actors in their process, grabe ibang klase.

"Kasi 'yung mga nakikita natin sa TV 'yun na 'yung finish products sa totoo lang. Pero 'yung nangyayari behind the camera, iyon 'yung kakaiba. And lahat tayo may kanya-kanya. So I think napakaganda na nagkakasundo kaming lahat, na good vibes sa set namin, sobrang daming pwedeng pagkwentuhan kapag nagsama-sama kami, at kapag trabaho, trabaho lang talaga.

"Automatic na 'yan kasi kapag kaeksena mo sino man, you have to be there for each other dahil mayroon at mayroon kasing isang important trait kapag gumagawa ka ng eksena that is trust. Kailangan may tiwala ka sa kaeksena mo at kailangan may tiwala sa 'yo 'yung kaeksena mo para mabuo kung ano man 'yung gusto n'yong ikuwento," pagbabahagi ni Dingdong.

Abangan ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA GRAND MEDIA CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.