Lianne Valentin
TV

Lianne Valentin, bakit kaya na-excite sa gagampanang role sa murder mystery drama na 'Royal Blood'?

By Aimee Anoc
Updated On: May 31, 2023, 03:26 PM
"Sobrang happy ko dahil binigyan na naman ako ng opportunity ng GMA to portray this role, to be in this project." - Lianne Valentin

Bagong kaabang-abang na karakter ang masasaksihan kay Lianne Valentin sa telebisyon.

Matapos ang mahusay na pagganap bilang Stella sa GMA Afternoon series na Apoy Sa Langit, sunod na mapapanood si Lianne bilang Beatrice sa murder mystery drama na Royal Blood.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Lianne ang excitement sa bagong role na gagampanan sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"Naalala ko before, I did a teleserye with Ken Chan and Rita Daniela, Ang Dalawang Ikaw. Iyon naman psychological teleserye siya kasi may dissociative identity disorder tapos may pagka-suspense din 'yung teleserye. Sabi ko, 'Gusto kong makasama sa isang teleserye na ganoon din may suspense mystery, thriller na talagang mapupurga 'yung utak ko kung paano ko gagampanan 'yung role, kung paano ko maipapakita sa audiences 'yung mga dapat nilang makita or malaman.' Kaya very excited ako nu'ng inalok sa akin itong project na ito," sabi ni Lianne.

Dagdag niya, "Hindi ko talaga expected kaya sobrang overwhelmed lang din talaga ako, and sobrang happy ko dahil binigyan na naman ako ng opportunity ng GMA to portray this role, to be in this project."

Sa Royal Blood, makikilala si Lianne bilang Beatrice, ang pangatlong anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III).

"I'm the youngest daughter of Gustavo Royales. Si Beatrice, may-ari siya ng isang makeup company, she's also a race car driver, and a fashionista. Very imo at very goal-oriented. She wants na matupad lahat ng pangarap niya, especially for her family," ang masasabi ni Lianne sa kanyang karakter.

Ayon sa aktres, may pagkakontrabida ang magiging karakter niya sa serye. "Actually, hindi ko masasabing like fully kontrabida siya, I mean, it's a different kind of kontrabida. Hindi siya 'yung straightforward talaga na kontrabida pero siya 'yung tipong role na may malalim na pinanghuhugutan, may malalim na pinapanggalingan kaya siya ganoon. Iyon 'yung kailangan nilang abangan."

Sa interview, ibinahagi rin ni Lianne ang excitement na makatrabaho sa isang serye ang Kapuso Primetime King.

"Ito 'yung first project na makakasama ko siya na as in acting project talaga. I'm so excited to work with Kuya [Dingdong]. Wala pa akong masabi kasi kinakabahan talaga ako kasi first time 'to, syempre with so many like veteran actors. Halos lahat, actually, first time kong makakatrabaho."

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.