Dingdong Dantes
Photo by: gmanetwork (IG)
TV

GMA Network drops Dingdong Dantes's first look in murder mystery series 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Updated On: May 31, 2023, 03:29 PM
Abangan ang pagbabalik-primetime ni Dingdong Dantes sa 'Royal Blood' soon sa GMA.

May pasilip ang GMA Network sa bagong karakter na gagampanan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa isang serye.

Sa Instagram, ipinakita ng GMA ang "first look" ni Dingdong para sa upcoming murder mystery drama na Royal Blood.

Sa Royal Blood, makikilala si Dingdong bilang Napoy, isang mapagmahal na single father na sinisikap maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Siya rin ay bastardong anak ng isang business tycoon -- si Gustavo Royales, na gagampanan ng multi-awarded actor na si Tirso Cruz III.

Kasama sa star-studded cast ng Royal Blood sina Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos. Ipinakikilala si Rabiya Mateo kasama sina Benjie Paras at Arthur Solinap.

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.