What's on TV

WATCH: Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, ibinuking ang isa't isa sa 'Road Trip'

By Bea Rodriguez
Published July 27, 2017 10:00 AM PHT
Updated July 27, 2017 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang ni-reveal nila tungkol sa isa't isa? Panoorin muli sa 'Road Trip.'

Napanood mo ba ang pilot episode ng pinakabagong travel with hugot show ng mga celebrities noong Linggo, July 23 sa Road Trip? Balikan natin ang isa sa mga highlights ng napakasayang bakasyon ng Legaspi family sa Batanes. 

 

Happy Sunday everyone???????????? abangan Legaspi's Road Trip in BATANES sa GMA7 ????????????

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi) on

 
Napadaan ang Team Legaspi sa Honesty Coffee Shop sa Ivana, Batanes kung saan naglaro sina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi at ang kanilang kambal na sina Mavy at Cassy ng game of honesty.
 
Sa gitna ng kanilang mga rebelasyon, ginulat ni Zoren ang lahat kaya nairita ang kanyang misis. “Don’t do that!” bulalas ng aktres.
 
Saad ni Carmina sa kanyang interview, “Palagi siyang ganyan kaya palagi nga ako nagagalit sa kanya kasi alam na nga niyang magugulatin ako, lagi pa niya ako ginugulat. Ewan ko kung sinasadya niya iyon o talagang likas lang din sa kanya na palaging OA (overacting) ang mga reaksiyon.”
 
Medyo naguluhan naman ang kambal sa ibinahagi ng kanilang tatay tungkol sa kanilang ina. Kuwento ni Zoren, “Ikaw ‘yung taong gustong makasama pero ayaw mo siyang makasama.”
 
Tugon ni Mrs. Legaspi, “Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa iyo o gusto kitang sabunutan.”
 
Pahayag ng kanyang mister, “Okay kang kasama pero minsan [ay] makulit ka. Pinag-aralan ko [kung] bakit ba niya ako lagi tinatawag… dahil alam kong love mo ako kaya ganun.”
 
Kinilig si misis at nakornihan naman ang mga bagets. Panoorin ang second part ng kanilang biyahe sa Batanes sa susunod na Linggo, July 30 ng 5:15 p.m sa Road Trip.

 

Yan na ???????????? part 2 this Sunday 5pm GMA 7 hahahaha riot nanaman ????????????

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi) on

 

Video courtesy of GMA Public Affairs