Derrick Monasterio at Elle Villanueva, maraming mami-miss sa 'Return To Paradise'
Sa nalalapit na pagtatapos ng Return To Paradise, maraming mami-miss ang onscreen partners na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa kanilang pinagbibidahang serye.
Sa ginanap na online media conference para sa finale ng Return To Paradise, ibinahagi ni Derrick na mami-miss niya ang karakter ni Elle na si Eden Sta. Maria, ang kanyang co-stars, at ang buong production team ng serye.
“Marami akong mami-miss sa show. Mami-miss ko 'yung character ni Elle, si Yenyen. Mami-miss ko 'yung staff kasi sa show namin parang talaga kaming family. Nandito 'yung mga taong naka-work ko na before growing up, so para sa akin, mga pamilya ko na talaga 'to.
“'Yung mga bosses namin, sina Ms. Elaine [Lozano], Ms. Nieva [Magpayo], talagang wala kang masasabi sa kanila kasi parang lang silang family,” kuwento niya.
Ayon naman kay Elle, hindi niya malilimutan ang mga karakter sa Return To Paradise dahil aniya'y na-attach na siya at kanyang mga kapwa artista sa mga ito.
Aniya, “Every time we enter the set, parang in-character na talaga kami, parang nanay ko na talaga si Ms. Eula and then si Red kay Tita Teresa. Tapos with Red and Eden, 'yung connection nila parang nandoon talaga.”
Ibinahagi rin ni Elle na sa tuwing suot niya at ni Derrick ang kanilang seashell bracelets ay ramdam nila ang pagiging sina Red at Eden.
“'Yung sinabi rin ni Derrick sa akin before, every time na sinusuot namin 'yung bracelet na 'yun, 'yung seashells, feeling namin kami talaga sina Red and Eden,” saad niya.
Dagdag pa ng Kapuso leading lady, “Of course, the production team sobrang mami-miss ko silang lahat kasi hindi sila nauubusan ng jokes and ang sarap lang nilang kasama. Parang hindi kami nagwu-work every time na nasa set kami. Masaya lang talaga siya, it's always a happy set.”
Bukod dito, nais din ng dalawang Sparkle artists na magkaroon pa ng future projects nang magkasama.
“Kung ako talaga masusunod, gusto ko parang mga superhero gano'n pero lahat naman ng mga project na dumarating sa akin, dream ko 'yun e. Pero as much as possible, gusto ko pa rin sana partner si Elle,” ani Derrick.
Para naman kay Elle, nais niyang makatrabaho si Derrick sa isang action project. Aniya, “Napag-usapan namin ni Derrick din before na parang gusto namin mag-action together parang Mr. and Mrs. Smith. That would be cool.”
Huwag palampasin ang finale week ng Return To Paradise ngayong Miyerkules, hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood ang programa online via Kapuso livestream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA DERRICK MONASTERIO AT ELLE VILLANUEVA RITO.