Derrick Monasterio and Elle Villanueva
Image Source: _ellevillanueva (Instagram)
TV

Derrick Monasterio, Elle Villanueva share their experience on being a love team in 'Return To Paradise'

By Dianne Mariano
Kumusta kaya ang karanasan nina Sparkle stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva bilang isang love team sa 'Return To Paradise?'

Masaya at puno ng pasasalamat sina Kapuso stars Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa kanilang karanasan bilang love team sa GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.

Sa nasabing serye, binibigyang buhay ng hunk actor ang role bilang Red Ramos habang ang Sparkle actress naman ay bumibida bilang Eden Santa Maria.

Para kay Derrick, masayang experience ang makatrabaho si Elle bilang on-screen partner dahil mas naging bukas siya at nagkaroon pa sila ng close bond off-cam.

“She's the love team that made me more open and because of her I became more vulnerable, and ginaganahan ako gumawa ng lahat ng mga scenes kasama siya kasi grabe rin siya magbigay, e.

“We got close din off-cam which is good, which helped a lot sa mga scenes namin. Sobrang click lang talaga ng personalities namin and I thank her for that, for trusting me rin ever since day one, workshop pa lang. The experience was amazing,” kuwento niya sa ginanap na online media conference ng Return To Paradise.

Nagpapalasamat naman si Elle na si Derrick ang kanyang unang love team dahil naging madali ang connection nila sa isa't isa.

Aniya, “Naging easy din sa akin 'yung mga ginagawa as a love team, 'yung mga kilig [at] 'yung mga touch, because he was very open to it and he made sure that I was comfortable while doing it. Talagang inalagaan niya ako all throughout the show.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng Return To Paradise, nagbigay rin ng patikim ang dalawang Sparkle artists sa mga dapat abangan ng Kapuso viewers sa huling linggo ng kanilang show.

“Marami pa silang i-e-expect. May mga characters na mawawala, may mga characters na magbabago ng character, magkakaroon ng mga reconciliation. Napakaraming big moments na mangyayari tapos magiging maaksyon na rin siya,” ani Derrick.

Dagdag naman ni Elle, “So many twists in this story and hindi mo akalain na mangyayari 'tong magaganap dito sa finale and hindi mo alam kung magiging happy ending ba or bittersweet.”

Subaybayan ang maiinit na tagpo sa Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso live stream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA DERRICK MONASTERIO AT ELLE VILLANUEVA SA GALLERY NA ITO.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.