Joey Marquez, gaganap bilang clingy daddy ni Rere Madrid sa 'Regal Studio Presents: Don't Leave Me Bebe'
Siguradong makaka-relate ang mga single parents at empty nesters sa "Don't Leave Me Bebe," ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Tampok dito ang beteranong actor-comedian na si Joey Marquez bilang Henry, isang biyudo.
Bilang pangako sa kanyang yumaong asawa, sinikap niyang mapalaki nang masaya at kuntento ang nag-iisang anak na si Milana, role naman ni Rere Madrid.
Nang mag-propose ang boyfriend ni Milana na si Edwin, played by Anjo Pertierra, kaba imbis na saya ang mararamdaman ni Henry.
Matatakot siyang mawala sa kanya ang anak kapag nagpakasal na ito.
Kaya naman gagawa si Henry ng iba't ibang paraan para maantala ang pagpa-plano ng kasal nina Milana at Edwin.
Abangan ang touching drama comedy na 'yan sa "Don't Leave Me Bebe," May 8, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.