Jeric Gonzales
TV

Jeric Gonzales, maraming natutunan sa comedy dahil sa 'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose'

By Marah Ruiz
Updated On: November 26, 2021, 02:58 PM
Nag-enjoy at marami raw natutunan sa comedy si Jeric Gonzales dahil sa experience sa 'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose.'

Masaya daw ang naging experience ni Kapuso actor Jeric Gonzales sa taping ng telemovie na Bros B4 Rose, ang pinakabagong episode ng weekend anthology series Regal Studio Presents.

Source: jericgonzales07 IG

Malaking bahagi daw ng kanyang enjoyment sa set ay ang makatrabaho ang direktor na si Easy Ferrer.

"Masaya kasi even si direk Easy Ferrer, napaka easy niyang katrabaho," pahayag ni Jeric sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong November 25.

Dahil daw kay direk Easy, mas marami pang natutunan si Jeric tungkol sa comedy.

"Very easy talaga. Ang dami kong natutunan sa kanya. Ang dami kong natutunan lalo na sa comedy. Kasi ang hirap mag-comedy din eh. 'Yung timing kasi and 'yung blockings niya and then 'yung directions niya, iba talaga," paliwanag ng aktor.

Bukod dito, sigurado raw siyang matutuwa ang mga manonood sa kuwento ng Bros B4 Rose.

"Masaya! Masaya 'yung kuwento and then masaya din 'yung trabaho namin so maganda 'yung mga eksena. Enjoy lang," ani Jeric.

Tulad ni Jeric, baguhan din sa comedy ang kanyang co-star na si Rob Gomez.

"Like what Jeric said, sobrang nahirapan ako sa comedy. Mahirap pala siya pero at least we did it right. With direk Easy naman, oo nga, totoo 'yung sinabi niya na sorbang easy," lahad ni Rob.

Nag-enjoy din siya na makasama si Jeric, pati na ang kanilang leading lady na si Kim Domingo.

"With both of them, I just feel so lucky na nakasama ko po sila. Si Kim, napakagaling. May eksena po siya, nakatingin lang ako, ang haba nung lines niya. Wow, okay! And with Jeric naman po, may eksena din kami na nag-away kami so nagulat ako na nakita ko 'yung ibang side ng Jeric. I'm still amazed and I learned from them both," papuri ni Rob sa kanyang co-stars.

Sa kuwento ng Bros B4 Rose, naghahanap ng pag-ibig sa pamamagitan ng isang dating app si Vincent, karakter ni Jeric. Makaka-match niya ang magandang dalagang si Rose, na gagampanan naman ni Kim. Kaya lang, hindi niya sariling pictures, kundi pictures ng pinsan niyang playboy at gym instructor na si Lester, role ni Rob, ang ilalagay niya sa kanyang profile.

Pagtatakpan lang sana ni Lester si Vincent pero pati siya, mahuhulog na ang loob kay Rose.

Abangan sina Jeric, Kim at Rob sa "Bros B4 Rose," sa Regal Studio Presents, November 28, 4:35 pm sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.