Kim Domingo Bros B4 Rose
TV

Kim Domingo, comeback project ang 'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose'

By Marah Ruiz
Updated On: November 26, 2021, 02:39 PM
Comeback project ni Kim Domingo ang 'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose' matapos mag-work from home sa loob ng mahigit isa't kalahating taon.

Tila comeback project ni Kapuso actress Kim Domingo ang upcoming episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents na pinamagatang "Bros B4 Rose."

Ito kasi ang una niyang project matapos siyang tamaan ng COVID-19 noong nakaraang Agosto.

Ito rin ang una niyang project na hindi work from home sa loob ng 20 month o mahigit isa't kalahating taon.

"Nagkaroon ako ng COVID. Kahit anong pag-iingat ko talaga, tinamaan pa rin. Ngayon siyempre nandoon pa rin 'yung pag-iingat. May takot pero kasi noong na-vaccinate ako, medyo kahit papaono nakampante ako. Sa set naman, maingat naman kami. Nagma-mask kami kapag hindi kami nagte-take. Sinusunod naman 'yung ganoong protocol," pahayag ni Kim sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 25.

Very happy si Kim na muli na siyang nakabalik sa trabaho lalo na at masaya ang kuwento ng "Bros B4 Rose."

"Ang karakter po na aking gagampanan dito ay si Rose. Dayo ako sa Manila. Ako ay pamangkin ng landlord ng boarding house na tutuluyan nina Lester and Vincent. Ako ang babaeng magpapa-ibig sa kaniang dalawa, at the same time, ang maggtuturo ng leksiyon sa kanilang dalawa," lahad ni Kim sa kanyang karakter.

Si Jeric Gonzales ang gaganap bilang estudyanteng si Vincent na makaka-match si Rose sa isang dating app. Pero imbis na sariling picture ang ilagay sa profile niya, gagamitin niya ang litrato ni Lester, role naman ni Rob Gomez.

"Ako po dito si Vincent. Best frined ako ni lester, si Rob. Matagal na kaming magkasama, acutally since mga bata. Mag-pinsan sila so alam na talaga namin 'yung [ugali] ng isa't isa, until dumating si Rose. Doon mate-test 'yung friendship namin, 'yung mtagal na naming pinagsamahan. Abangan nila kasi super funny and talagang kakaiba 'yung mga eksena namin ni Rob," paliwanag naman ni Jeric tungkol sa kanyang karakter.

Excited namn si Rob na mapanood ng viewers ang kanilang episode.

"Ako po, I'll be playing Lester. I'll be the exact opposite of Vincent. Siya kasi 'yung medyo good boy, studies first. Ako po 'yung medyo gym [rat], outgoing. As Kim's character would come in, macha-challenge kami with his own strengths and my own strenghts. Abangan niyo na lang po at excited na po akong mapanood nila," kuwento naman ni Rob.

Abangan sina Kim, Jeric at Rob sa "Bros B4 Rose," sa Regal Studio Presents, November 28, 4:35 pm sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.