Gabbi Garcia at Khalil Ramos, proud sa timely story ng 'One Million Comments, Magjo-jowa na Ako'
Ang real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang bibida sa upcoming special ng weekend anthology na Regal Studio Presents.
Gaganap si Gabbi dito bilang online tutor na si Anna Marie. Si Khalil naman ay si Prince Matt, ang IT expert na aayos sa laptop niya.
Para sa dalawang lead stars, napapanahon daw ang episode na pinamagatang "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako."
"Nasa 'now' 'yung story niya kasi it involves social media. It's about a girl na medyo hindi masyadong swerte when it comes to love life. Nagkaroon siya ng dare na 'pag nakga-one million comments 'yung isa niyang post, magjo-jowa na siya. From there titingnan natin kung unahin ba niya 'yung pangarap o uunahin ba niya 'yung dream guy niya?" paliwanag ni Gabbi sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong September 21.
"Dream kasi noong character ko na magrtabaho sa Australia. 'Yun 'yung goal niya talaga dapat, hindi talaga love life. Titingnan natin kung paano niya ibabalanse 'yung trabaho o love life," dagdag pa ni Gabbi.
Para naman kay Khalil, very relevant at relatable daw ang kuwento nito lalo na sa panahon ng pandemic.
"It's a very timely na istorya dahil karamihan ng mga tao ngayon ay limitado sa internet. 'Yung mga social events nila, parang ganito. Nowadays, 'yung mga tao sa online nagre-resort to finding friends, new friends, new people, and also love life. Makaka-relate ang maraming tao dito who are going through very similar situations as the characters. It's a love story. Magkikita 'yung dalawa with the internet as the tool," kuwento ng aktor.
Bukod kina Gabbi at Khalil, bahagi din ng episode sina Kapuso cutie Manolo Pedrosa at comedic actress Kat Galang.
Huwag palampsin ang pangatlong bahagi ng special primetime premiere ng Regal Studio Presents na "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," September 25, 8:30 pm sa GMA.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.