Sofia Pablo
TV

Sofia Pablo, natupad ang pangarap na magkaroon ng mermaid role sa 'Regal Studio Presents: Raya Sirena'

By Marah Ruiz
Updated On: December 23, 2021, 12:06 PM
Matagal na raw pangarap ni Sofia Pablo na gumanap bilang mermaid kaya very grateful siya sa lead role sa 'Regal Studio Presents: Raya Sirena.'

Very grateful si Kapuso actress Sofia Pablo nang makuha ang lead role sa "Raya Sirena," ang pangalawang kuwento sa anthology series ng Regal Studio Presents.

Gaganap si Sofia dito bilang Raya, isang typical Gen Z girl na magiging sirena dahil sa isang sumpa.

Matagal na raw pangarap ni Sofia na magkaroon ng mermaid role.

"I've always wanted to portay a mermaid role. Para sa akin noong una, medyo impossible kasi sobrang konti lang noong mga mermaid shows on Philippine TV. So parang ako, 'Mangyayari pa kaya siya?" paggunita ni Sofia.

Kaya naman laking pasasalamat niya nang malaman na siya na nga ang gaganap bilang Raya sa "Raya Sirena."

"I wanna thank Regal Studios, Ms. Roselle (Monteverde) and Sir Joey Abacan para po sa tiwala na binigay nila sa akin na gumanap bilang si Raya the mermaid. I really promise na ibibigay ko 'yung best ko dito kasi nga real life mermaid [ako]. Kulang na lang magkabuntot na 'ko in real life," excited na pahayag ng aktres.

Hand-picked si Sofia para sa role matapos makita ng producers ang mga videos niya habang lumalangoy na nakasuot ng mermaid tail.

Masasaksihan naman ang galing niya sa swimming dahil may ilang underwater scenes din siya sa episode.

Makakasama ni Sofia sa episode ang mga Kapuso actors na sina Allen Ansay at Bruce Roeland.

Gananap si Allen bilang Gavin, ang anak ng caretaker sa resort nina Raya. Siya ang magiging katuwang ni Raya sa pagtatago ng transformation niya bilang isang mermaid.

"Sa tagal po ng pandemic finally magsasama na kami ni Sofia. Bago po mag pandemic, last na nagsama kami sa 'Maynila' po. Ganyan din po siya, senyorita na mayaman. Tapos ngayon, sirena naman siya. Sobrang nakaka-excite kasi napakaganda po noong story habang bini-briefing po sa amin," pahayag ni Allen.

Itinuturing namang mga kaibigan ni Bruce sina Sofia at Allen kaya no problem daw sa kanya na gumanap bilang third wheel nila.

"I feel na there's no need for adjustment kasi I feel na close naman kami ni Allen and close naman kami ni Sofia. I know na it's only acting and it's only for the show but it's gonna be so much fun," aniya.


Abangan ang first mermaid role ni Sofia sa "Raya Sirena." Ito ang pangalawang episode ng Regal Studio Presents pero due to insistent public demand, muli itong mapapanood ngayong December 26, 4:35 pm sa GMA!

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.