Cooking skills, masusubukan sa panliligaw sa 'Regal Studio Presents: Sana Tayo Na'

Isang office romance ang hatid ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Sa "Sana Tayo Na," masusubukan ang culinary skills ng isang foodie dahil gagamitin niya ito sa kanyang dream girl.
Mahilig magluto si Ozzie at mas na-e-enjoy pa niya ang pagkain kapag nagagawa niya itong i-share sa mga taong mahal niya.
Mahuhulog ang loob niya kay Eunice, ang bagong agent sa kanilang real estate firm. Iba't ibang putahe ang susubukan ni Ozzie para mas mapalapit kay Eunice.
Ma-impress kaya si Eunice sa mga iluluto ni Ozzie?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "Sana Tayo Na," December 31, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






