SNEAK PEEK: Cute na kesong puti vendor, viral sa 'Regal Studio Presents: My Cheesy Cutie Guy'
Magbabago ang buhay ng isang simpleng kesong puti vendor sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' na pinamagatang "My Cheesy Cutie Guy."
Sa murang edad, si Lucky (Allen Ansay) na ang tumatayong head ng kanilang pamilya. Binubuhay niya ang kanyang nanay at younger sister na si Charm (Barbara Miguel) sa pagbebenta ng kesong puti.
Habang nagbebenta, may magbi-video kay Lucky at babansagan siyang "cheesy cutie guy." Papatok sa netizens and video at magiging viral pa ito!
Dahil dito, isang prominenteng pulitiko ang lalapit kay Lucky at magpapakilala bilang tatay niya.
Anong mga pagbabago ang haharapin ni Lucky mula sa pagiging simpleng kesong puti vendor hanggang sa pagiging anak ng pulitiko?
Abangan 'yan sa "My Cheesy Cutie Guy," March 27, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:
Family
Nabubuhay siya ng simple kasama ang kanyang nanay, role ni Sue Prado at kapatid na si Charm, karakter naman ni Barbara Miguel.