Promises to Keep
TV

SNEAK PEEK: Barbie Forteza sa 'Regal Studio Presents: My Birthday Wish'

Isang feel-good story ang hatid ng upcoming special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!

Pinamagatang "My Birthday Wish," pagbibidahan ito ni Kapuso actress Barbie Forteza.

Gaganap siya bilang Joanna, isang babaeng magkakaroon ng pagkakataong bumalik sa kanyang kabataan.

Isang 50-year-old housewife si Joanna kaya hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa mga kaibigan na sa palagay niya ay mas may narating sa buhay kaysa sa kanya.

Kaya naman sa kanyang kaarawan, nag-wish si Joanna ng second chance para itama ang mga mali niya sa nakaraan.

Paggising ni Joanna, 25 years old na muli siya! Ano kaya ang mga babaguhin ni Joanna sa kanyang nakaraan?

Bahagi din ng episode sina Royce Cabrera na gaganap bilang asawa ni Joanna na si James, Julian Roxas na gaganap naman bilang Henry--ang lalaking makikilala ni Joanna sa past, at Sarah Edwards na gaganap bilang kaibigan ni Joanna na si Cherrie.

Abangan ang kuwento tungkol sa second chances sa "My Birthday Wish" sa Regal Studio Presents, August 21, 4:35 pm sa GMA.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.