What's on TV

Kim de Leon at Raphael Landicho, bibida sa 'Regal Studio Presents: Bobby Baby Boom'

By Marah Ruiz
Published March 21, 2025 6:03 PM PHT
Updated March 21, 2025 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Bibigyang-buhay nina Kim de Leon at Raphael Landicho ang kuwento ng 'Regal Studio Presents: Bobby Baby Boom.'

Magkukulitan ang Kapuso stars na sina Kim de Leon at Raphael Landicho sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.

Pinamagatang "Bobby Baby Boom," gaganap dito si Kim bilang aspiring designer na si Bobby.

Dahil kailangan niya ng trabaho para maipagamot ang nanay niyang may sakit, mag-a-apply siya bilang assistant ng sikat na fashion designer na si Kaila.


Pero dahil babae ang hinahanap nitong assistant, magdi-disguise si Bobby bilang si Baby. Agad naman siyang matatanggap bilang yaya ng pilyong anak ni Kaila na si Boom, karakter ni Raphael Landicho.

Matagalan kaya ni Bobby ang kakulitan ni Boom? Maitatago ba niya ang kanyang katauhan lalo na at requirement ng nanay ni Boom na babae ang maging assistant niya?

SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:



Huwag palampasin ang brand-new episode na "Bobby Baby Boom," March 23, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.