Shayne Sava, terror ang kliyente sa 'Regal Studio Presents: Star Cleaner'
Published On: March 13, 2025, 04:58 PM
Maka-five stars kaya si Shayne Sava mula sa terror niyang kliyente sa 'Regal Studio Presents: Star Cleaner'?
Si Kapuso actress Shayne Sava ang bibida sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Star Cleaner," gaganap si Shayne bilang cleaning lady na si Tetay.
Goal ni Tetay na maging top employee ng house cleaning company na pinapasukan niya.
Pero mukhang magiging extra challenge ito dahil sobrang demanding at sobrang gulo ng bahay ng huling kliyente niya na si Diana, karakter ni Mosang.
Matatapos ba ni Tetay na linisin ang bahay ni Diana? At bakit nga ba punung-puno ng mga gamit ang bahay ni Diana ngayong mag-isa lang siya?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Star Cleaner," March 16, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Comments