Ashley Ortega at Jak Roberto, magtatambal sa 'Regal Studio Presents: Sugar and Spy
Published On: February 28, 2025, 05:31 PM
Magtatambal sina Ashley Ortega at Jak Roberto sa 'Regal Studio Presents: Sugar and Spy' na mapapanood sa mas maagang oras.
Ang Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Jak Roberto ang bibida sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents na mapapanood na nang mas maaga.
Ang episode nilang "Sugar and Spy" ang unang episode sa mas pinaagang oras ng Regal Studio Presents na 2:00 p.m.
Gaganap dito si Ashley bilang Sugar, key witness sa isang krimen. Si Jak naman ay si Spy, ang pulis na assigned na magbantay at prumotekta sa kanya.
Hindi magkasundo ang dalawa dahil sa sobrang higpit ni Spy kay Sugar.
Mapapanatili kaya ni Spy na ligtas si Sugar?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Sugar and Spy," March 2, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Comments