TV

Arra San Agustin at Paul Salas, magre-renovate ng farm sa 'Regal Studio Presents: My Farmer Girl'

By Marah Ruiz
Updated On: August 22, 2024, 06:48 PM
Gaganap sina Arra San Agustin at Paul Salas bilang ex-lovers na magre-renovate ng farm sa 'Regal Studio Presents: My Farmer Girl.'

Sina Kapuso stars Arra San Agustin at Paul Salas ang bibida sa isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sa episode na pinamagatang "My Farmer Girl," gaganap sila bilang ex-lovers na susubukang isalba ang isang farm na nanganganib nang ibenta.

Si Arra ay si Bea, anak ng may-ari ng isang farm na palugi na. Gusto nang ibenta ng kanyang nanay ang farm pero kokontrahin ito ni Bea dahil ito ang huling alaala sa kanila ng yumao niyang tatay.

Makakahanap si Bea ng katuwang sa pagre-renovate ng farm sa ex-boyfriend niyang si Rico, karakter ni Paul.

Maisasalba ba ni Bea ang farm, pati na ang dati nilang relasyon ni Rico?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang episode na "My Farmer Girl," August 25, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.