Rain Matienzo at Casie Banks, may showdown sa 'Regal Studio Presents: Pamana ni Lola'
Si Kapuso comedienne and host Rain Matienzo at beauty queen and actress Casie Banks ang magpapatawa at magpapaiyak sa atin sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Sa episode na pinamagatang "Pamana ni Lola," maglalaban ang dalawa para sa kayamanan at ari-arian ng kanilang Lola Marga na may stage 3 lung cancer.
Si Rain ay si Candy na umaasang makuha ang mana bilang kabayaran sa pagpapalayas ni Lola Marga noon sa nanay niya.
Si Casie naman ay si Lolly na problemado sa buhay at nangangailangan ng pera para makapagsimula muli.
Anu-ano ang mga kaya nilang gawin para sa pamana? Sino kina Candy at Lolly ang karapat-dapat maging tagapagmana ni Lola Marga?
Abangan ang brand new episode na "Pamana ni Lola," May 21, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: