GMA Logo shayne sava and aiai delas alas in raising mamay
What's on TV

Pagmamahal ng ina sa anak at second chance, nanaig sa 'Raising Mamay' finale

By Jansen Ramos
Published July 29, 2022 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

shayne sava and aiai delas alas in raising mamay


Pinatunayan ni Letty na kahit ano man ang edad ng kanyang pag-iisip, hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Abi.

Ngayong Biyernes, July 29, napanood ang huling episode ng nakakaantig na dramang Raising Mamay matapos ang 14 linggo.

Sa pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series, nakaligtas si Sylvia (Valerie Concepcion) matapos barilin ng asawa niyang si Randy (Gary Estrada).

Pinatawad na rin ni Abi (Shayne Sava) ang biological mom niya sa kabila ng kasalanang ginawa nito sa kinalakihan niyang ina na si Letty (Aiai Delas Alas).

Sa paggaling ni Sylvia, ipinakilala niya sa kanyang talk show na Silver Linings si Abi bilang kanyang anak. Doon ay inanunsyo rin ni Sylvia ang pagtatapos ng kanyang programa sa TV.

Ito ay dahil gustong magbayad ni Sylvia sa krimeng ginawa niya kay Letty kaya nagkaroon ito ng regressive behavioral disorder. Isinuko niya ang kanyang sarili sa mga pulis.

Matapos ang ilang taon, nagbalik si Sylvia sa araw ng kaarawan ni Letty.

Ngayong present ang dalawang ina ni Abi, naging madamdamin ang okasyon dahil nagpahiwatig si Letty ng kanyang pagmamahal kay Abi kahit hindi niya ito tunay na anak.

Sa huli, hindi na bumalik sa tama niyang pag-iisip ang 40 anyos na si Letty sanhi ng kanyang age regression matapos aksidenteng mabaril ni Sylvia.

Pinatunayan ni Letty na ano man ang edad ng kanyang pag-iisip, hindi mawawala ang pagmamahal niya kay Abi.

Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood sa Raising Mamay, kabaliktaran naman ito ng mga nangyari sa likod ng kamera.

BALIKAN ANG MASAYANG SET NG RAISING MAMAY DITO: