TV

'Stand For Truth' reporters, ikinuwento ang kanilang mga na-experience sa pagbabalita

By Maine Aquino
Ibinahagi ng 'Stand For Truth' reporters ang kanilang mga ginagawa para makapagbabalita, inspirasyon bilang reporter, pag-iingat at realizations sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa Quiz Beh! ay nakasama ni Betong Sumaya ang mga Stand for Truth reporters para sa isang masayang episode.

Break muna sa pagbabalita sina JM Encinas, Nico Waje, Manal Sugadol at MJ Geronimo dahil sila ay humarap sa isang masayang game sa Quiz Beh!

Quiz Beh September 11 episode


Na-challenge ang kanilang talino at diskarte sa paghula sa larong ito. Bukod sa paglalaro ay kinumusta rin ni Betong ang kanilang mga experiences at mga ginagawa para sa pagbabalita.

Si JM ay ibinahagi ang kanyang mga ginagawa para masigurong safe siya mula sa COVID-19 habang nagbabalita.

Si Nico ay nagbahagi ng kanyang realizations sa kanyang personal na buhay at pagbabalita ngayong may pandemic.

Si MJ naman ay sinabi kung sino ang Kapuso reporter na nagsilbing inspirasyon para sa kanya.

Ikinuwento naman ni Manal ang memorable coverage niya na ginawa for Stand For Truth.

Panoorin ang episode na ito ng Quiz Beh!

Andre Paras, Kate Valdez, Manolo Pedrosa, Lexi Gonzales, and Anthony Rosaldo share fun moments in 'Quiz Beh!'

Kapuso singers, bumida sa season 2 ng 'Quiz Beh!'

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.