GMA Logo betong sumaya on quiz beh
What's on TV

Betong Sumaya, ibinahagi ang bagong dapat abangan sa 'Quiz Beh!'

By Maine Aquino
Published September 1, 2020 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

betong sumaya on quiz beh


Season 2 na ng online game show na 'Quiz Beh!'

Mas masaya at mas exciting umano ang season 2 ng Quiz Beh!

Ayon kay Quiz Beh! host Betong Sumaya, may mga bagong magaganap sa kanyang online show.

Betong Sumaya


"Sa Quiz Beh! po abangan po nila ang mas mabibigat na mga Kapuso artists ang maglalaro," sabi ni Betong sa ginanap na press interview kamakailan.

Dagdag pa niya, may makakasama rin silang mga taong malalapit sa kanilang mga puso sa game show na ito.

"Baka ngayon sasamahan na rin ng mga pamilya nila, so baka may mga nanay, tatay, kapatid."

Samantala, nag-e-enjoy raw si Betong bilang host ng Quiz Beh! dahil nakakasama niya ang kanyang mga kaibigan sa industriya.

"Para kaming naglalaro lang, nag-uusap na minsan nakakalimutan namin ay sandali marami palang nanonood. Live pala 'to."

Abangan ang pagsisimula ng second season ng Quiz Beh! with Betong sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

Pekto Nacua, nagkuwento tungkol sa kanyang online show na 'E-Date Mo Si Idol'

GMA Artist Center takes over YouTube!