Barbie Forteza, David Licauco
source: gmadrama/IG and barbaraforteza /IG
TV

Barbie Forteza, na-bash dahil hindi nagpapahalik sa mga eksena

By Kristian Eric Javier
Updated On: September 5, 2024, 03:22 PM
Alamin ang sagot ni Barbie Forteza sa bashing na natanggap niya dahil sa kissing scene nila ni David Licauco sa 'Pulang Araw.'

Kailan lang ay muli na naman nagpakilig ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco, na kilala rin bilang ang love team na BarDa, nang matunghayan ang kissing scene ng mga karakter nilang sina Adelina at Hiroshi sa Pulang Araw.

Kuwento pa ni Barbie sa X (dating Twitter), “nataranta si self ng very light” sa kissing scene nila ni David.

Ngunit pag-amin ni Barbie sa Updated with Nelson Canlas podcast, nakatanggap siya ng maraming bashing mula sa netizens na nagsasabing hindi siya umano magaling na aktres.

Sabi ng aktres, “Maraming nagba-bash. Hindi daw ako magaling na actress kasi hindi daw ako nagpapa-kiss. 'Yun pala 'yung batayan?"

Komento naman ni Nelson Canlas, walang problema kung hindi totoo ang kiss nila sa nasabing eksena at sinabing kahit implied lang ay nakakakilig pa rin ito. Aminado rin ang host na delicate ang eksena lalo na pagdating sa kuwento ng mga karakter nila.

Pero tugon ni Barbie sa tanong kung paano siya naghanda emotionally, “Emotionally, ako, honestly, hindi naman mahirap i-motivate emotionally kasi very obvious 'yung love ni Adelina and ni Hiroshi for each other so lamanan mo lang talaga 'yun ng restraint and 'yung pagiging forbidden, kasi hindi talaga sila pwede, 'yun.”

“'Yung gigil talaga, e. 'Yung 'Bakit? Naging magkaibigan tayo dati, pero bakit hindi natin pwede mahalin 'yung isa't isa?' Alam mo 'yung ganu'ng pakiramdam na may mga tao na isa lang 'yung nagmamahal, 'yung isa hindi niya mahal 'yung tao. Pero ang kaso kasi dito, parehas namin mahal 'yung isa't isa pero bakit hindi pwede?” pagpapatuloy ng aktres.

BALIKAN ANG ILAN SA SWEET LOOKS SA PAGITAN NINA BARBIE AT DAVID SA GALLERY NA ITO:


Sa Pulang Araw, ipinagkasundo ni Carmela (Angelu de Leon) si Teresita (Sanya Lopez) kay Hiroshi, kahit pa ang mahal nito ay si Eduardo (Alden Richards). Kaya naman masakit para kina Adelina ang kinahahantungan ng kanilang relasyon ngayon.

Nang tanungin si Barbie kung kakayanin ba niyang mabuhay sa panahon ni Adelina na may kaparehong sitwasyon, ang sagot ng aktres, “Ah, wala.”

Biro pa ni David, “Makikipaglaban na lang siya, barilan.”

Paliwanag ng aktres, “Mahirap 'yun, tapos kapatid ko pa 'yung ano ko, nako, mahirap 'yun.”

Pakinggan ang buong panayam nina Barbie at David dito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.