pulang araw ost
TV

'Pulang Araw' OST, available na sa lahat ng music streaming platforms

By Jimboy Napoles
Mapapakinggan na ang 'Pulang Araw' OST sa lahat ng music streaming platforms.

Hindi na lang trending episodes ng hit GMA series na Pulang Araw ang puwedeng balik-balikan dahil puwede na ring mapakinggan ang official soundtracks nito sa lahat ng music streaming platforms.

Simula August 9, available na sa Spotify, YouTube music at Apple Music ang ilan sa mga awitin sa Pulang Araw gaya ng “Some of These Days” performed by Julie Anne San Jose, “Naku, Kenkoy!” Ni Sanya Lopez, “Home on the Range” ni Derrick Monasterio, at iba pang version ng “Some of These Days” nina Sanya at Barbie Forteza.

Sa pilot week ng nasabing serye, matatandaan na inawit ni Julie ang “Some of These Days” bilang si Katy Dela Cruz na tinaguriang “Reyna ng Bodabil.”

Ang mas pinasayang bersyon nito ay inawit naman nina Sanya at Barbie nang mag-audition ang kanilang mga karakter na sina Teresita at Adelina sa isang Bodabil theater. Gayundin ang “Naku, Kenkoy!” na inawit at sinayaw nila sa serye na isa sa mga highlight naman ng second week.

Ang Pulang Araw ay pinagbibidahan nina Barbie, Sanya, David Licauco at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo para sa kaniyang natatanging pagganap.

Subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.