Rhian Ramos, inspirasyon ang kanyang lola sa 'Pulang Araw'
Sa pagsisimula ng historical drama na Pulang Araw sa GMA Prime, tatatak sa mga manonood ang maiksi ngunit napakaimportanteng role ni Rhian Ramos bilang si Filipina dela Cruz. Siya kasi ang magiging ina ng mga pangunahing tauhan na sina Eduardo at Adelina, na gagampanan nina Alden Richards at Barbie Forteza.
Ayon kay Rhian, hindi alintana ang iksi ng kanyang pagganap sa naturang serye dahil mas mahalaga kung ano ang magiging epekto nito sa kabuuan ng proyekto.
“Naintindihan ko yung importance ng project na yun. Makikita n'yo naman, the more the show revealed, makikita n'yo yung advocacy nito,” sabi ni Rhian. Nakausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media matapos ang press conference ng pelikula niyang Miss Probinsyana nitong Sabado, July 27.
Patuloy niya, “Para sa akin, one of the first questions that I ask the producers when they pitch to me the script is, 'Anong matututunan namin, anong matutunan ng audience. Why are we doing this? Is this just to entertain?' When I get the answer that I am looking for, kung makakatulong sa psychology ng audience natin, doon ako mas nai-inspire. Doon ko ibinibigay lahat ng kaya kong ibigay.”
Bukod dito, sinabi ni Rhian na naging inspirasyon din niya ang kanyang lola nang gawin niya ang role ni Fina.
“In Pulang Araw, I also did it to honor my lola and all those who were alive at the time and went through that so that we don't have to. So yun, doon ako na-inspire, hindi lang sa bigness of the role or budget of the project. It's more of my honoring those who came before us,” sabi ng aktres.
Dagdag pa niya, “Aside from being a mother and not just any kind of mother, she's the fierce kind. Ipaglalaban niya talaga ang kanyang mga anak. Aside from that, iniisip ko din kung ano yung magiging symbolism ng babae na 'to for the whole project. Doon nga, nakikita ko na siya yung Pilipinas na used, discarded. Then, her being a mom, it's a thankless job, pero I had to show her resilience because what do we hear all the time about Filipinos, we're resilient, di ba?”
Tunghayan ang natatanging pagganap ni Rhian sa Pulang Araw sa world premiere nito mamaya sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras.
Kilalanin ang iba pang mga tauhan sa Pulang Araw dito:
Samantala, balikan ang mga kaganapan sa media conference ng Pulang Araw dito: