David Licauco admits he 'broke out of his shell' in 'Pulang Araw'
Itinuturing ni David Licauco bilang isa sa pinaka-challenging roles sa kaniyang pagiging artista ang ginagampanan niyang karakter sa Pulang Araw bilang si Hiroshi Tanaka na isang Hapones na nakatira sa Pilipinas sa panahon ng World War II.
Kuwento ni David sa 24 Oras, masasabi niya na talagang nag-“broke out of his shell” siya dahil sa serye.
“I think the roles na I was given before, mostly mga mayaman, negosyante, wala 'yung ganitong klaseng problems,” ani David.
Dagdag pa niya, “I had to study Nihongo. Interpreter ako dito so I was talking to mga Japanese military and I was talking to Filipinos. I had to interpret everything.”
Ayon pa kay David, sumabay siya sa tindi ng emosyon na ipinamalas ng kaniyang mga kasama sa serye na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, at Alden Richards.
Sa katunayan, na-intimidate raw si David sa unang eksena nila ni Alden.
Aniya, “I think 'yung very first scene with him I got intimidated, but I just told myself na, like, 'You are here for a reason, you worked hard for this, so why would you get nervous,' you know?”
“'Yung scene ko with Alden, I think 'yun 'yung pinakamahirap na eksenang ginawa ko in my life dahil roller coaster of emotions e, from happy to sad to getting mad and then eventually parang accepting defeat, you know? So, ang dami talagang layers nung acting na 'yun,” sabi pa ng aktor.
Makakasama rin ni David sa Pulang Araw ang premyadong aktor na si Dennis Trillo na gaganap bilang isang mabagsik na Japanese Imperial Army officer na si Col. Yuta Saitoh.
Mapapanood ang Pulang Araw simula July 29 sa GMA Prime.
Para sa iba pang updates, bisitahin ang GMANetwork.com.
RELATED GALLERY: David Licauco talks about love, fame, being 'Pambansang Ginoo'