David Licauco, na-intimidate kay Alden Richards sa kanilang unang eksena sa 'Pulang Araw'
Inamin ni David Licauco na na-intimidate siya kay Alden Richards sa unang eksena nila sa highly-anticipated series na Pulang Araw.
Sa interview ni Nelson Canlas kay David sa 24 Oras, ikinuwento ng tinaguriang Pambansang Ginoo na labis ang kaniyang naramdamang kaba nang makaeksena ang Asia's Multimedia Star sa nasabing serye.
Aniya, “I think 'yung very first scene with him I got intimidated, but I just told myself na, like, 'You are here for a reason, you worked hard for this, so why would you get nervous,' you know?”
Ayon pa kay David ang isang partikular na eksena niya kasama si Alden ang itinuturing niya sa ngayon na pinakamahirap na eksenang kaniyang ginawa.
“'Yung scene ko with Alden, I think 'yun 'yung pinakamahirap na eksenang ginawa ko in my life dahil roller coaster of emotions e, from happy to sad to getting mad and then eventually parang accepting defeat, you know? So, ang dami talagang layers nung acting na 'yun,” kuwento ni David.
Sa nasabing serye, si David ang magbibigay buhay sa karakter ni Hiroshi Tanaka na anak ng Japanese immigrants sa Pilipinas noong 1940s na magiging kababata nina Adelina (Barbie Forteza, Teresita (Sanya Lopez), at Eduardo (Alden Richards).
Makakasama rin ni David sa Pulang Araw ang premyadong aktor na si Dennis Trillo na gaganap bilang isang mabagsik na Japanese Imperial Army officer na si Col. Yuta Saitoh.
Mapapanood ang Pulang Araw simula July 29 sa GMA Prime.
Para sa iba pang updates, bisitahin ang GMANetwork.com.
RELATED GALLERY: Pulang Araw: Ang mga unang larawan