Photo by: 24 Oras
TV

'Pulang Araw' cast, proud mapabilang sa family drama series

By Kristine Kang
Updated On: July 3, 2024, 02:49 PM
Ipinagmamalaki nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco ang kanilang highly-anticipated series na 'Pulang Araw.'

Maraming netizens ang humanga at naging proud sa ipinalabas na Independence day plug ng GMA family drama series na Pulang Araw.

Ipinasilip dito ang mga karakter ng programa na gagampanan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, Alden Richards, at Dennis Trillo

Mula sa action scenes hanggang sa mga madamdamin at empowering moments, naging masusi ang cast at crew sa paggawa ng mga bawat bigating eksena sa plug.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng Pulang Araw actors kung gaano sila ka-proud at thankful na mapabilang sa programa.

Itinuturing nila ang kanilang roles sa palabas bilang isa sa mga pinakamahalagang papel na kanilang ginampanan. Ambag din daw nila ito para sa bagong henerasyon.

"Napakalaking bagay nito sa akin dahil, sabi ko nga, parang isa ito sa teleserye na proud akong maikukuwento sa mga anak ko pagdating ng araw. Kasi naging parte ako ng isang napaka-importanteng proyekto na tatagal ng ages," pahayag ni Barbie.

Dagdag din ni Sanya, "Nakatulong siya sa akin mas maging... mas ma-appreciate 'yung buhay natin bilang Pilipino. Nakaka proud maging Pilipino."

Para naman kina Alden at David, isa itong karangalan para ipakita ang mga istorya ng ating mga ninuno at parangalan ang mga sakripisyo ng mga bayani para sa kalayaan ng ating bansa.

"Because of this teleserye, makikita ng mga generations now, 'yung mga present na mga Pilipino, na ganoon 'yung sacrifice na ginawa ng mga Pilipino noon," sabi ni David.

Paliwanag naman ni Alden, "Bibigyan natin ng larawan 'yung mga kuwento ng ating mga lolo't lola sa atin. So, sana itong project na ito, after this is shown in Philippine television, magkaroon sana ito ng ripple effect when it comes to you know, magamit sa eskwelahan. 'Yung freedom na meron tayo ngayon is we owe it to the people who have experienced that very dark part of history."

Malapit nang mapapanood ang Pulang Araw sa Netflix sa July 26. Agad din itong ipalalabas sa sa GMA Prime simula July 29.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.