Alden Richards Pulang Araw
Source: aldenrichards02 (Instagram)
TV

Alden Richards sees his role in 'Pulang Araw' as a 'transition' to a more versatile character

By Jimboy Napoles
Updated On: July 3, 2024, 03:09 PM
Ibang atake sa kaniyang karakter ang mapapanood kay Alden Richards sa historical drama na 'Pulang Araw'.

“For the longest time ngayon lang ako magpo-portray ng isang role na hindi ganun ka-boy-next-door.”

Ganito inilarawan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang kaniyang gagampanang karakter sa upcoming historical drama na Pulang Araw.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Alden kung gaano ka-espesyal ang kaniyang role sa nasabing serye kung saan gaganap siya bilang si Eduardo, isang Filipino-American na nakipagsapalaran noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.

Aniya, “I said yes to the role kasi parang the way it was...the story that we'll be telling the audience for 'Pulang Araw' is something relevant to our lifetime and history."

“Kuwento 'to ng mga lolo't lola natin e, sa time noong World War II. So, ako I grew up with the stories of World War II during the Japanese occupation dito sa atin [Pilipinas]. It seems like parang nare-relieve ko 'yung role and 'yung mga pangyayaring 'yun with the role that I'll be playing here. So, isa 'yun sa pinaka-importante at mahalaga sa akin kaya ko siya tinanggap.”

Ayon pa kay Alden, transition niya na rin ito para sa mas challenging na karakter bilang isang aktor.

“For the longest time ngayon lang ako magpo-portray ng isang role na hindi ganun ka-boy-next-door, kalinis, medyo transitioning siya kasi parang 'di ba as an actor you have to be versatile with all the roles that you're portraying. Hindi puwedeng stereotype ka lang kasi nakakasawang panoorin,” ani Alden.

Kuwento pa ng aktor, isa sa mga naging pagsubok sa kaniya sa Pulang Araw ay ang pagbigkas ng mas malalalim na wikang Filipino.

“Well preparations wise kailangan kong sanayin ang aking sarili na magsalita sa ganitong pamamaraan, dahil napakahirap mag-adjust.

“Mag-adjust sa ganitong klase ng pakikipag-usap kasi nakakaubos siya ng hininga e. So I think that's the one of the major challenges of this role is to really speak the Filipino language in such an old-school way.”

Samantala, makakasama naman ni Alden sa Pulang Araw ang iba pang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

RELATED GALLERY: ALDEN RICHARDS'S CAREER HIGHLIGHTS

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.